Magnitude 4.8 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Yumanig ang magnitude 4.8 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 51 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 3:46 ng hapon.

185 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...