Umabot na sa 161 ang bilang ng mga person deprived of liberty (PDL) na nagpositibo sa COVID-19 sa iba’t ibang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).
Batay sa COVID-19 daily monitoring report, pinakamaraming tinamaan na PDL ng nakakahawang sakit sa New Bilibid Prison na may 82 confirmed cases.
Nasa 99 ang itinuturing na suspected cases at 36 ang probable cases.
Walo naman ang napaulat na naka-recover na PDL sa nasabing pandemiya habang anim ang pumanaw.
Samantala sa hanay ng mga personnel, 32 ang confirmed COVID-19 cases.
79 ang napaulat na probable cases habang apat ang suspected cases.
Nasa tatlong personnel naman ang nasawi bunsod pa rin ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES