Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakabalik ng bansa ang mga crew member sa pamamagitan ng chartered flight ng TUI Airlines.
Naasistihan ang Filipino crew na bahagi ng libu-libong empleyado ng Sea Chefs at TUI Cruises, ng TUI Staff, Philippine Ambassador to Germany Ma. Theresa Dizon-De Vega, at Labor Attaché Delmer Cruz.
“It has been a very difficult period for all of you and we look forward to the time when you can all come back to work in the cruise industry,” pahayag ni Ambassador Dizon-De Vega sa Filipino crew members.
Nagpasalamat din sa Dizon-De Vega sa mga kumpanya para sa koordinasyon para mapauwi ang mga crew member.
Pinaalalahanan naman ni Labor Attaché Cruz ang mga Filipino na maaari silang makapag-apply sa social amelioration program sa ilalim ng AKAP ng gobyerno sa mga OWWA Regional Office.