Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.8 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 91 kilometers Southeast ng Governor Generoso bandang 3:33 ng hapon.

62 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na nakaranas ng instrumental intensity 3 sa Alabel, Sarangani bunsod ng pagyanig.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...