Passport Service Program ops sa Paniqui, Tarlac suspendido sa May 28

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (OCA) na suspendido ang Passport Service Program (PSP) operations sa Paniqui, Tarlac sa Huwebes, May 28.

Ito ay bunsod ng paggunita ng Araw ng Lalawigang Tarlak o ika-146 Founding Anniversary ng probinsya ng Tarlac.

Alinsunod ito sa Proclamation No. 109, s. 1999 ng nasabing probinsya.

Magbabalik naman sa normal ang operasyon ng PSP Tarlac sa Biyernes, May 29.

Sinabi ng kagawaran na maa-accommodate ang mga apektadong aplikante na may confirmed appointments sa susunod na araw matapos ang suspensyon ng operasyon.

Bukas ang PSP Tarlac tuwing Lunes hanggang Biyernes simula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Para naman sa mga aplikante na may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa PSP Paniqui sa email address na passportservicepaniqui2@gmail.com o sa mga sumusunod na numero:
– 0950 418 7987 (Smart)
– 0956 249 2312 (Globe)

Read more...