Ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin sa susunod na mga oras

Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa thunderstorm advisory bandang 1:19 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, at Cavite.

Maliban dito, maaapektuhan din ng pag-ulan ang Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Jose Del Monte sa Bulacan; Rodriguez sa Rizal; San Clemente, Mayantoc, San Jose sa Tarlac; Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba at Botolan sa Zambales.

Uulanin din ang General Nakar sa Quezon; Santa Maria, Famy, Siniloan at Mabitac sa Laguna; Tuy at Balayan sa Batangas.

Sinabi ng PAGASA na iiral ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, payo ng weather bureau, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...