Cashless payment options ng PayMaya sa PUV operators welcome sa DOTr, LTFRB

Welcome sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alok na cashless payment options ng PayMaya sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators.

Ito ay bilang bahagi ng pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng physical distancing.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark De Leon, isa itong paraan para malimitahan ang direktang human contact.

“The public’s health and safety remain the topmost priorities of the DOTr. Ngayon, at higit kailanman, mas kinakailangan nating pangalagaan ang kapakanan, hindi lamang ng ating mga PUV drivers, kundi maging ng ating mga pasahero,” pahayag ni De Leon.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na ang cashless payment sa mga taxi at TNVS ay parte ng tinatawag na ‘new normal.’

“Cashless payment, particularly in taxis and TNVS, is part of the ‘new normal’, and we are glad that our drivers and operators have easy and convenient options such as PayMaya, so that they can quickly implement this solution for the safety and benefit of their riders,” ani Delgra.

Alok ng PayMaya sa taxi at transport network companies, sa mga driver, ang kanilang QR scan-to-pay (STP) capabilities sa pamamagitan ng mobile app.

Sa ganitong paraang, makakatanggap ng contactless payments ang drivers at transport operators gamit ang credit, debit, at prepaid cards sa pamamagitan ng tap-to-pay technology sa tulong ng digital payment solutions ng PayMaya.

Maaari ring magamit ng transport operators PayOut disbursement solution para sa madaling mamimigay ng sweldo at iba pang insentibo sa PayMaya accounts ng drivers.

“In the ‘new normal’, we must help everyone adapt to new and safer ways to lead our lives, and that includes the transportation industry. PayMaya is proud to support the government and transport operators not just in helping them accept contactless payments, but to chart the path towards their full recovery as well,” ayon kay PayMaya Founder at CEO Orlando Vea.

Read more...