Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 25 kilometers southwest ng Calayan, alas-7:09 umaga ng Miyerkules (May 27).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...