LOOK: NCRPO nagsagawa ng simulation exercise sa ipatutupad na social distancing protocols sa LRT-2

Nagdaos ng simulation exercise ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ipatutupad na social distancing protocols sa LRT-2 sa sandaling magbalik na ito sa operasyon.

Paghahanda ito sa nakatakdang pagbawi sa umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila na magbibigay daan para magbalik na ang transportasyon.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Rey Berroya, nilahukan ng 500 police trainees ng NCRPO ang simulation exercise.

Ipinakita dito ang pagsunod sa social distancing sa pamamagitan ng mga marka na inilagay sa platform ng LRT-2, bago pumasok ng platform at mismong sa loob ng tren.

 

Read more...