Bilang ng nasawi sa US dahil sa COVID-19 mahigit 100,000 na

Sumampa na sa mahigit 100,000 ang bilang ng nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos, nakapagtala ang US ng halos 700 panibagong nasawi.

Dahil dito, nasa 100,497 na ang COVID-19 death toll ng US.

May naitala namang mahigit 17,000 na panibagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Sa ngayon ay mahigit 1,723,000 na ang total COVID-19 cases sa US.

 

 

Read more...