QC nakapagsagawa na ng mahigit 6,000 swab test sa kanilang community-based testing

Nakapagsagawa na ng mahigit 6,000 swab test ang Quezon City sa kanilang community-based testing sa COVID-19.

Sa datos ng QC Local Government Unit, simula noong April 13 hanggang kahapon May 26 umabot na sa 6,583 na katao ang nakuhanan ng swab test.

Sa nasabing bilang, 2,962 na ang mayroong resulta.

324 ang nagpostibo at 2,638 naman ang negatibo.

Nagpapatuloy ang community-based testing ng lungsod sa bawat distritong nasasakupan nito.

 

 

 

 

Read more...