San Julian, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 20 kilometers southwest ng San Julian, alas-5:46 madaling araw ng Miyerkules (May 27).

May lalim na 35 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...