Kaso ng COVID-19 sa QC mahigit 2,000 na

Sumampa na sa mahigit 2,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa datos, sa 2,012 na nakumpirmang mga kaso, 1,833 na pasyente ang tukoy na ang kumpletong address.

Habang 1,657 na kaso naman ang na-validate na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Mayroon namang 773 na pasyenteng naka-recover na sa sakit, habang 169 ang pumanaw.

Mayroon pang 1,033 na suspected COVID-19 cases sa lungsod.

 

 

Read more...