Bilang ng mga nakarecover na sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 300

Muling nadagdagan ang bilang ng mga naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 300 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling (Martes, May 26, 6:00 PM).

Ang bilang naman ng mga active cases ay nasa 88 na lamang.

Narito ang mga lugar na may active COVID-19 cases:

San Pedro – 57
Los Banos-3
Calamba – 9
Biñan – 5
Santa Rosa – 6
Cabuyao – 2
Santa Cruz – 1
Victoria – 3
Cavinti – 1
Pakil – 1

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths ay 36.

Ang kabuuang bilang naman ng kaso ng mga nagpositibo sa virus sa lalawigan ay 424.

Samantala, 1,258 ang suspected cases at 67 ang probable cases sa lalawigan.

 

 

Read more...