Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,439

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (May 26, 3:00 PM) pumalo na sa 1,439 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 33 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 317
Laguna – 433
Batangas – 178
Rizal – 426
Quezon – 85

Nasa 716 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 37 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 107
Laguna – 280
Batangas – 95
Rizal – 168
Quezon – 66

Nanatili sa 152 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 27
Laguna – 34
Batangas – 23
Rizal – 60
Quezon – 8

Read more...