Ayon kay Mayor Toby Tiangco base sa update hanggang 6:00, Martes ng gabi (May 26), naitala ang mga kaso sa Barangay NBBS Proper at San Jose.
Dahil dito, umakyat na sa 170 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 97 ang naka-confine sa mga pagamutan o nakasailalim sa home quarantine.
Samantala, isa ang pumanaw pa kung kaya nasa 29 na ang bilang ng nasawi sa Navotas City bunsod ng nakakahawang sakit.
Dalawa rin ang bagong gumaling kung kaya 44 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES