75 dagdag na COVID-19 cases, naitala sa Maynila

Karagdagang 75 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (May 26), umakyat na sa 1,278 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 810 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 227 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 99 na kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 943 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,810 ang suspected cases.

Pumalo naman sa 370 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila matapos maitala ang 49 na bagong gumaling.

Tatlo ang nasawi pa kaya 98 na ang pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...