Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 281 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Martes ng gabi (May 26), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 281 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 736 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 594 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na 117 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nasa apat namang pulod ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...