Mga mayor sa NCR, sang-ayon na isailalim na sa GCQ simula sa June 1

Sumang-ayon ang lahat ng alkalde sa Metro Manila sa rekomendasyong isailalim na ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) simula sa June 1.

Ayon kay Jojo Garcia, general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), “unanimously” ang pag-apruba ng mga alkalde sa NCR na ilipat na sa GCQ ang lugar.

Sakaling matuloy sa GCQ, sinabi nito na maaari pa ring magpatupad ng lockdown ang mga local government unit (LGU) kung makikita nilang may problema sa ilang lugar tulad ng barangay.

Hihintayin pa rin naman aniya ang pinal na desisyong ilalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ukol sa usapin.

Nakasailalim pa ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine hanggang May 31.

Read more...