Base sa isinumiteng ulat sa Philippine National Police (PNP) National Headquarters ni Police Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, Regional Director ng Police Regional Office-7 Central Visayas, unang ikinasa ang operasyon sa Talibon bandang 3:30 ng hapon.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa suspek na si Jaime Dajao, 44-anyos at residente ng Barangay Tanghaligi.
Nakumpiska kay Dajao ang apat na kilo ng hinihinalang shabu na may estimated street value ng P27 milyon.
Sa kaparehong araw, nagsagawa ng follow-up operation ang Bohol Police at PDEG sa Sitio Antipolo, Barangay Dampas sa Tagbilaran City dakong 5:45 ng hapon.
Nahuli sa operasyon ang apat na suspek na sina Lelit Dajao Sinugbojan, 44-anyos; Chellomae Pescura Curayag, 33-anyos; Junalyn Abelgas Matura, 32-anyos; at Humprey Millana Cenabre, 34-anyos.
Nakuha sa apat ang dalawa pang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13 milyon.
Maliban dito, nakumpiska rin ng mga otoridad ang ginamit na buy-bust money sa operasyon.