RJ Jacinto, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang DICT Undersecretary

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ramon “RJ” Jacinto bilang Undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na naitalaga si Jacinto sa nasabing posisyon noong Biyernes, May 22.

Kumpiyansa aniya ang Palasyo ng Malakanyang na makakapagserbisyo si Jacinto sa DICT nang may dedikasyon at integridad.

Makakatulong din aniya si Jacinto sa mandato ng kagawaran sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Naunang itinalaga si Jacinto bilang Presidential adviser taong 2016.

Pinalitan ni Jacinto si Eliseo Rio makaraang magbitiw sa pwesto.

Read more...