Kiblawan, Davao del Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 16 kilometers southwest ng Kiblawan, alas-2:10 madaling araw ng Miyerkules (May 27).

May lalim na 15 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 2 sa Malungon, Sarangani.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...