Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 26, 2,635 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 47 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,402 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nadagdagan naman ng 16 ang bilang ng gumaling kung kaya 905 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nanatili naman sa 328 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 matapos madagdagan ng apat pa.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 795 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 735 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 632 naman ang kaso sa Americas at 473 sa Asia Pacific Region.