BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 14,669 na

Lumobo pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (May 26), 14,669 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 10,371 ang aktibong kaso

Sinabi ng kagawaran na 350 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, 13 ang nasawi pa kung kaya 886 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.

89 naman ang bagong gumaling sa pandemiya.

Dahil dito, ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa Pilipinas ay nasa 3,412 na.

Read more...