Quarantine facility sa T. Paez Integrated School, inilunsad na

Pormal nang inilunsad ang quarantine facility sa T. Paez Integrated School sa Lungsod ng Maynila, araw ng Martes (May 26).

Ayon sa Manila Public Information Office, pinangunahan ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagbubukas ng naturang pasilidad.

Kayang ma-accommodate ng pasilidad ang 41 hinihinalang tinamaan ng COVID-19.

Naitayo ang pasilidad sa pangunguna ng Department of Engineering and Public Works (DEPW).

Read more...