Top 2 most wanted person sa Batangas, arestado

Arestado ang Number 2 Top Most Wanted Personality ng Malate Police Station sa Batangas noong May 24.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ang suspek na si Paolo Villarin, 22-anyos, sa bahagi ng Sitio Pangao, Barangay Quilo South, Padre Garcia noong 9:40 ng gabi.

Inaresto si Villarin sa bisa ng inilabas na Warrant of Arrest sa Criminal Case No. 17-335241 ni Hon. Emily L. San Gaspar-Gito ng Branch 5 RTC Manila.

Nagsagawa nang week-long surveillance and monitoring ang mga tauhan ng Malate Police Station Station Intelligence Branch sa pamamagitan ng ibinigay na impormasyon ng confidential informant.

Sa ngayon, nananatili ang suspek sa kustodiya ng Malate Police Station para sa booking procedures.

Read more...