Sa thunderstorm advisory bandang 1:05 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Pampanga.
Makararanas din ng kaparehong lagay na panahon ang Quezon City at Caloocan sa Metro Manila; Norzagaray, Doña Remedios Trinidad sa Bulacan; General Tinio, Gabaldon sa Nueva Ecija; San Clemente, Camiling at Mayantoc sa Tarlac.
Uulanin din ang bahagi ng Ternate, Maragondon, Magallanes at General Emilio Aguinaldo sa Cavite; Mataas na Kahoy, Balete at Malvar sa Batangas; Paete, Kalayaan at Lumban sa Laguna; Rodriguez sa Rizal; Real sa Quezon at Bataan.
Sinabi ng PAGASA na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinayuhan ng weather bureau ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.