7 arestado sa Maynila dahil sa pekeng IATF ID

Arestado ng mga otoridad sa Sampaloc, Maynila ang isang computer graphics designer at anim na iba dahil sa pamemeke ng quarantine passes.

Kinilala ang ang panugnahing suspek na si Johnny Perez Jr., 32 anyos na nadakip sa C.M. Recto Avenue.

Si Perez at kaniyang kasamahan ay gumagawa ng pekeng ID ng Inter-Agency Task Force for Infectious Diseases (IATF) at Department of Trade Industry (DTI).

Nakumpiska sa kanila ang isang computer printer, monitor, scanner, laminating machine, isang ID cutter at pekeng DTI-IATF IDs.

Dinala sa Sampaloc police station ang mga suspek.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code in relation to the Bayanihan to Heal as One Act.

 

 

Read more...