NTC ipinababasura sa SC ang hirit na TRO ng ABS-CBN

Hiniling ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Korte Suprema na ibasura ang hirit na TRO ng ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) hiniling ng NTC sa Supreme Court na huwag pagbigyan ang hiling na temporary restraining order na magpapahinto sa cease and desist order ng komisyon sa network.

Magugunitang huminto sa pag-ere ang ABS-CBN matapos ang inilabas na cease and desist order ng SC.

Ayon sa NTC, walang merito ang hirit na TRO ng network at ang pagpapahinto sa operasyon nito ay ‘valid’.

Sinabi ng NTC na may kapangyarihan itong ipahinto ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa kawalan nito ng legislative franchise.

 

 

 

Read more...