Bakit nga naman hindi, sunud-sunod kasi ang kapalpakan ang departamentong ito na pinamumunuan ng isang malapit na kaalyado sa pulitika ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ng ating Cricket na kaya bumitaw sa pwesto ang dating tagapagsalita ng kagawaran ay dahil na rin sa matinding batikos na inaabot nya halos araw-araw sa social media.
Wala naman sa dating spokesman ang problema kundi kay Mr. Cabinet Secretary na puro aberya ang iiwang legacy sa kanyang opisina.
At dahil wala silang makuhang spokesman, inatasan ng kalihim ang lahat ng mga ahensya sa ilalim ng kanyang tanggapan na kumuha ng kani-kanilang mga tagapagsalita.
Kung sabagay, nahawa na rin ang nasabing mga ahensiya sa sunud-sunod na kapalpakan ng Kalihim kaya pati sila ay laging laman ng mga batikos sa social media.
Sayang si Mr. Secretary na galing sa sikat na pamilya.
Halatang hindi niya kayang kontrolin ang kanyang nasasakupan na isa pa naman sa mga kagawaran na may pinaka maraming mga ahensiyang nasasakupan.
Pati ang political ambition ni Sir ay kanyang kinalimutan dahil alam niyang uulanin siya ng puna at batikos sakaling bumalik siya sa political arena.
Sa ngayon, sinabi ng ating Cricket na hinihintay na lamang ni Sir na matapos ang termino ng Pangulo.
Alam din niya na sangkatutak na kaso ang naghihintay sa kanya pagbaba sa pwesto at ito raw ngayon ang kanyang pinaghahandaan.
Bukod sa paglilinis ng records sa kanilang opisina ay tumutulong din siya sa kampanya ng mga manok administrasyon para nga naman tuloy ang ligaya kapag nanatili sila sa pwesto.
Pero kapag natalo ang administrasyong ito sa halalan, alam nilang lahat na sa kangkungan sila pupulutin pare-pareho.
Ang kalihim na naghahanap ngayon ng spokesman pero walang gustong mag-apply ay si Sec. A…as in alam nyo na dahil siya ang hari ng Aberya.