6 pulis, patay sa pananambang ng NPA sa Baggao Cagayan

Inquirer file photo

Anim ang bilang ng mga pulis na nasawi resulta ng pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army sa convoy ng mga ito sa Baggao, Cagayan kanina.

Sa opiyal na report mula sa PNP, nasa 40 mga rebelde ang walang habas na nagpaputok sa mga tropa ng Regional Public Safety Battalion ng PNP sa Barangay Sta. Margarita dakong alas-10:00 ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima sa mga pangalang PO1 Anan, PO1 Bautista, PO1 Sumiko, PO1 Alfonso, PO1 Soriano at PO1 Aspiros, pawang mga miyembro ng RPSB.

Nasa walo namang pulis ang iniulat na nasugatan sa pananambang.

Rumesponde ang tropa ng 17th Infantry Battalion ng Army sa insidente.

Agad ring nagpadala ng dalawang helicopter ang AFP upang tumulong sa pag-evacuate sa mga nasugatang pulis.

Dakong alas 3:48 ng hapon nang tuluyang maialis sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang mga sugatan at nasawing pulis.

Nakatakdang magtungo ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez sa Cagayan bukas upang kumustahin ang mga napalabang tropa ng PNP.

 

Read more...