Tuloy ang paghahanda ng pamahalaan para sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020.
Pahayag ito ng Malakanyang sa kabila ng statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang pagbubukas ng klase hangga’t walang bakuna kontra COIVD-19.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala munang klase sa mga paaralan hangga’t walang bakuna ay para sa face-to-face classes.
Sinabi ni Roque na magbubukas lamang ang face-to-face classes kung mayroon nang bakuna at kung wala nang umiiral na community quarantine.
Pero hindi naman aniya ibig sabihin na hindi na magbabalik klase ang mga mag-aaral.
Sinabi ni Roque na magpapatupad ang Department of Education ng “blended learning”.
Gagamitin ang computer, TV, at community radio stations para maituloy ang pag-aaral.
Habang tuloy naman ang online learning sa mga pribadong paaralan.