P15M halaga ng PPEs at iba pang medical supplies nai-deliver ng coast guard at AFP sa mga ospital

Aabot sa P15 milyong halaga ng kahon-kahong medical supplies na nai-deliver kahapon (May 25) ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga ospital.

Mula sa AFP General Headquarters, Camp Aguinaldo sa Quezon City ay naihatid ang 18 kahon ng personal protective equipment (PPE) para sa frontline health workers ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.

43 kahon naman ng PPE sets na binubuo ng gloves, face shields, KN95 face masks, clip caps, shoe covers, at disposable gowns mula sa Office of the Civil Defense warehouse ang naisakay sa C130 plane para mahatid sa Cebu at Tacloban.

Habang 85 pang kahon ng PPE mula sa Department of Health (DOH) ang naihatid naman sa Caloocan City South Medical Center, at 305 na kahon pa mula sa warehouse ng Logistics Command ng Camp Aguinaldo ang dinala sa Villamor Air Base.

 

 

Read more...