Mga nagtapos na mag-aaral sa public school sa Navotas tumanggap ng P500 hanggang P1,500 na cash incentives

Namahagi ng cash assistance ang Navotas City Local Government sa mga mag-aaral na nagtapos sa pampublikong paaralan.

Ngayong araw, sinimulan na ang pamamahagi ng cash incentives para sa mga nagsipagtapos na estudyante.

P500 ang cash incentives para sa Grade 6 graduates, P1,000 sa mga Grade 12 graduates, at P1,500 sa mga nagtapos sa Navotas Polytechnic College.

Paalala ng LGU, hindi na kailangang isama ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag-claim ng cash incentives.

 

 

 

Read more...