Ayon kay Treñas, nagpadala na siya ng liham kay DepEd Secretary Leonor Briones para hilingin dito na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa lungsod hanggang 2021.
Sinabi ni Treñas na pagsapit ng August 24 kung magbubukas ang klase ay maaring limitado pa rin ang ipinatutupad na measures ng Iloilo City Government at maging ng national government para maawat ang paglaganap ng COVID-19.
Magiging banta aniya ito sa mga mag-aaral.
Mahirap ding ipatupad ang social distancing measures sa mga eskwelahan lalo na kapag oras ng recess, at oras ng pasukan at uwian.
Maliban pa dito, sinabi ni Treñas na dagdag pahirap din sa mga estudyante at magulang ang pagbabawas sa kapasidad ng mga public transportation.
Umaasa si Treñas na tutugon ang DepEd sa kaniyang panukala.