Sa isasagawang sesyon ngayong araw, aaprubahan ng special House panel on coronavirus ang panukalang P548-billion Philippine Economic Stimulus Act (Pesa) at ang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, maaaprubahan din ang panukala na magpapataw ng parusa sa sinumang sangkot sa diskriminasyon sa mga tinamaan ng COVID-19 o hinihinalang meron nito, gayundin ang mga health-care workers at iba pang frontliner.
Ang nasabing mga panukala ay aaprubahan ng COVID-19 ad hoc committee sa sesyon ngayong umaga.
Sinabi ni Romualdez na inaasahan ang mabilis na aksyon sa nasabing mga panukala sa sandaling maipasa na ito sa plenaryo para sa pag-apruba sa second reading.