Philippine Red Cross nagbukas ng hotline number para sa mga naghihintay ng COVID-19 test results

Mayroon nang hotline service ang Philippine Red Cross (PRC) para mas mabilis na ma-access ng mga naghihintay ng kanilang COVID-19 test results.

Ayon kay PRC chairman at Senator Richard Gordon, ang mga naisailalim na sa test ay pwedeng tumawag sa numero na 1158.

Ibibigay lang ang pangalan at hahanapin na ito sa database ng Red Cross.

Ito ay para matiyak aniya na agad maipapadala o makukuha ng indibidwal ang resulta ng kaniyang test.

Sa Red Cross, ang proseso ng swab test ay tumatagal lang ng 1 hanggang 3 araw at agad naipapadala sa government agencies ang resulta.

 

 

Read more...