Pangulong Duterte pinayuhan si Duque na huwag pansinin ang mga kritisismo

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na huwag pansinin ang mga kritisismo.

Ito ay kasunod ng mga batikos kay Duque at mga panawagan na magbitiw o palitan na siya sa pwesto dahil sa umano ay hindi magandang performance nito sa paglaban sa COVID-19.

Sinabihan ng pangulo si Duque na dahil tayo ay nasa demokrasyang bansa ay normal ang mga batikos.

Magugunitang 14 na senador ang naghain ng resolusyon para ipanawagan ang pagbibitiw ni Duque sa pwesto.

Maging ang Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) ay sumulat kay Duterte para hilinging palitan si Duque bilang health chief.

 

 

 

 

Read more...