Sinabi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pag-aatas sa mga LGU na tanggapin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon sa pangulo ang mga lokal na opisyal na hindi tatanggap sa mga OFW ay maaring makasuhan.
Labag aniya sa Constitutional rights ng isang tao kung hindi sila papayagang makauwi sa kanilang mga bahay.
Sa pulong kasama ang Inter Agency Task Force, tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Duterte na makauuwi na ang 24,000 na OFWs sa kani-kanilang mga lugar.
MOST READ
LATEST STORIES