Pangulong Duterte dinipensahan si Duque sa umano’y overpriced na PPEs

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa mga alegasyon na pagbili ng “overpriced”
na mga gamit ng Department of Health (DOH) para sa COVID-19 testing.

Ayon sa pangulo siya ang nag-utos kay Duque na gawin ang lahat ng makakaya para sa pagresponde ng gobyerno kontra COVID-19.

Sinabihan din umano niya si Duque na kahit pa mahal ang mga gamit ay bilhin na ang mga ito.

Ayon sa pangulo, inaako niya ang “full responsibility” dahil siya ang nagbigay ng direktiba kay Duque na bilisan ang pagbili ng mga kailangang gamit.

Si Duque ay nagisa sa pagdinig ng senado dahil sa mahal na presyo ng PPEs.

Maging ang Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. ay sumulat pa kay Pangulong Duterte at hiniling na palitan ang health chief.

 

 

 

Read more...