Mahigit P2 dagdag sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

May malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo ngayong umaga, Martes May 26 ay nagpatupad ng dagdag na P1.75 sa kada litro ng gasolina, P2.65 sa kada litro ng kerosene at P2.10 sa kada litro ng diesel.

Alas 6:00 ng umaga epektibo ang dagdag presyo ng Shell, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, SeaOil, Flying V, Petron, Caltex at PTT.

Habang ang kumpanyang Caltex ay nauna nang nagpatupad ng dagdag presyo alas 12:01 ng madaling araw.

Ang kumpanyang Cleanfuel naman ay mamaya pang alas 4:01 ng hapon magpapatupad ng dagdag presyo.

 

 

Read more...