Echague, Isabela at Tuguegarao City nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon, May 24


Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang maraming lugar sa bansa kahapon Linggo, May 24.

Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela at Tuguegarao City ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 36.7 degrees Celsius.

Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:

Catbalogan City – 36.5 degrees Celsius

Zamboanga City – 36.5 degrees Celsius

Guiuan, Eastern Samar – 36.0 degrees Celsius

Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

Read more...