Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), sumampa na ngayon sa 14,319 ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa 284 na bagong kaso, 171 ay mula sa MetroManila, 70 naman ang mula sa Region 7, at ang 43 ay mula sa iba pang rehiyon.
Inanunsyo din ng DOH na mayroong 74 na bagong naka-recover sa sakit.
Dahil dito, umabot na sa 3,323 ang total number of recoveries.
Lima naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Umabot na sa 873 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES