Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 207 na

Umakyat na sa 207 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Sa nasabing bilang, 144 ang naka-recover na o gumaling habang 31 naman ang pumanaw.

Sa ngayon mayroon na lang 32 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Mayroon pang 192 na probable COVID-19 cases sa lungsod at 36 suspected cases.

 

 

 

Read more...