Kaso ng COVID-19 sa Parañaque umabot na sa 678

Umakyat na sa 678 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Parañaque City.

Sa datos ng Parañaque City Health Office at Parañaque City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), sa nasabing bilang, 253 pa ang aktibong kaso.

Mayroon namang 380 na pasyenteng naka-recover na sa sakit habang 45 naman ang nasawi.

Narito ang bilang ng mga kaso sa mga barangay sa Parañaque:

Baclaran – 16
Don Galo – 2
La huerta – 7
San Dionisio – 53
San Isidro – 15
Sto Niño – 3
Tambo – 11
Vitalez – 1
BF Homes – 17
Don Bosco – 14
Marcelo Green – 5
Merville – 2
Moonwalk – 23
San Antonio – 42
San Martin De Porres – 2
Sun Valley – 14
Unknown barangay – 26

Patuloy naman ang apela ni Mayor Edwin L. Olivarez na sundin ang payo ng gobyerno sa ilalim ng umiiral na “Modified Enhanced Community Quarantine”.

Kabilang dito ang pananatili lamang sa tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas at sundin ang mga guidelines na ipinapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkahawa at pagka-expose sa COVID-19.

 

 

 

Read more...