CJ Sereno at Justice Carpio nagtagisan ng talino sa huling araw ng oral argument sa kaso ni Poe

sereno-carpio
Inquirer file photo

Nagpalitan ng kanilang mga argumento sa magkaibang posisyon kaugnay sa disqualification cases ni Sen. Grace Poe sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Sa kanyang interpellation kay Comelec Commissioner Arthur Lim, sinabi ni Carpio na nagkaroon ng material misrepresentation nang mag-apply si Poe ng dual citizenship sa Immigration Bureau sa bisa ng R.A 9225 o Dual Citizen Act.

Sa ilalim ng nasabing batas, sinabi ni Carpio na tanging mga natural-born citizen lamang ang qualified sa naturang prebilehiyo.

Ayon kay Carpio, isinulat ni Poe sa kanyang application na sina Ronald Allan Poe o Fernando Poe Jr. at Susan Roces ang kanyang biological parents.

Iyun ang sinasabing dahilan kaya nabigyan ng dual citizenship ang mambabatas.

Sa kanya namang intepellation kay Lim, ipinaliwanag ni Sereno na nagsumite ng Birth Certificate si Poe kung saan ay nakalagay doon na sina FPJ at Susan Roces ang kanyang mga adoptive parents kaya walang naganap na misrepresentation sa kanyang dokumento.

Kinilala din daw ang nasabing dokumento nang mag-apply si Poe noong siya’y bata pa ng passport sa Department of Foreign Affairs.

Sa pagtatapos ng limang oral arguments, sinabi ni Lim na para sa kanya ay 50-50 ang tsansa ni Poe na makalusot sa paghimay ng mga Mahistrado ng Supreme Court sa kanyang disqualification cases.

Read more...