US trip ni PNoy cost-efficient ayon sa Malacañang

Edwin-Lacierda
Inquirer file photo

Mas maliit ang gastos ngayon sa biyahe ni Pangulong Aquino sa Amerika kumpara sa mga nakalipas na biyahe nito.

Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kasunod ng pagdalo ng pamgulo sa dalawang araw na special ASEAN-U.S Summit sa California.

Ayon kay Lacierda maliit lamang ang bitbit na delegasyon ni Pangulong Aquino kayat maliit lamang ang gastos sa transportasyon, hotel accomodation, pagkain at communication requirements ng grupo.

Sa ngayon aniya ay wala pang ipinapalabas na kabuuhang halaga ng US trip ng pangulo mula sa Office of the Executive secretary.

Kabilang sa delegasyon ng pangulo sa Amerika ay sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Finance Sec. Cesar Purisima, Defense Sec. Voltaire Gazmin, Trade and Industry Sec. Adrian Cristobal, NEDA Sec. Emmanuel Esguerra , Communications Sec. Sonny Coloma, Cabinet Sec. Jose Rene Almendras at National Climate Change Commissioner Emmanuel de Guzman.

Umaasa naman ang Pangulo na mapag-uusapan din sa forum ang isyu ng agawan ng isla sa West Philippine Sea. Ito na ang magsisilbing huling official trip ni Sec. Albert Del Rosario makaraan siyang magsumite ng kanyang resignation dahil sa health issue.

Read more...