Nakapagtala ng mataas na heat index ang 7 na lugar sa bansa, araw ng Lunes, May 25.
Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Legaspi City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 49 degrees Celsius (alas-2:00 ng hapon).
Naitala ang 48 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa Ambulong, Tanauan City.
Naitala naman ang 47 degrees Celsius na heat index sa Guiuan, Eastern Samar alas-11:00 ng umaga.
Samantala, naitala naman ang 45 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa sumusunod na lugar:
Dagupan City
Roxas City
Sangley Point, Cavite City
Tuguegarao City
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.