Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Lunes(May 25).
Ayon sa PAGASA, pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon bandang alas-11:00 ng umaga.
Umabot naman sa 34.8 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
READ NEXT
Echague, Isabela at Tuguegarao City nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon, May 24
MOST READ
LATEST STORIES