Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 168

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Lunes, May 25) , pumalo na sa 168 ang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa lungsod.

Nanatili naman sa 21 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nasa 88 naman ang ang bilang ng nakapagrecover na.

Ang bilang naman ng probable ay 8 habang 9 naman ang suspected.

Read more...